Ayon kay PNP Chief P/Director General Oscar Albayalde, 90% mula sa 190,000 kabuuang puwersa ng kapulisan ang kanilang ipapakalat sa halalan.
Joven Cagnde
160,000 pulis idedeploy
Joy Cantos (Pilipino Star Ngayon) - April 24, 2018 - 12:00am

Sa Brgy at SK election

MANILA, Philippines — Nakatakdang magpakalat ang Philippine National Police ng aabot sa 150,000 hanggang 160,000 pulis  sa mga polling precincts upang tiyakin ang seguridad at katiwasayan sa gaganaping Barangay at Sangguniang Kabataan (SK) elections sa bansa.

Ayon kay PNP Chief P/Director General Oscar Albayalde, 90% mula sa 190,000  kabuuang puwersa  ng  kapulisan ang kanilang ipapakalat  sa halalan.

 Ang nalalabi namang puwersa ng PNP ay mananatiling naka-standby  at handang magresponde sa anumang kaganapan.

Inihayag nito na partikular na mahigpit na babantayan ay ang nasa 5,744 mga barangay sa bansa na nasa areas of immediate concern o mga hotspots kaugnay ng mahigpit na banggaan ng mga kandidato at maging ang mga lugar na may presensya ng mga armadong grupo.

BARANGAY AT SANGGUNIANG KABATAAN PHILIPPINE NATIONAL POLICE
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with