Retired policeman Wally Sombrero presented himself to incoming Philippine National Police chief Oscar Albayalde at Camp Crame Wednesday morning.
STAR/Michael Vargas
Pinaniniwalaang middleman ni Jack Lam sumuko na
(Pilipino Star Ngayon) - April 11, 2018 - 12:24pm

MANILA, Philippines — Lumutang na ang retiradong pulis na si Wally Sombrero na pinaniniwalaang middleman ng Chinese casino mogul Jack Lam.

Sumuko kay incoming Philippine National Police Director General Oscar Albayalde si Sombrero sa Camp Crame ngayong Miyerkules.

Si Sombrero ang sinasabing nag-abot ng tig-P50 milyon sa dalawang Immigration deputy commissioners kapalit ng pagpapalaya ng mga Tsino na naaresto noong 2016 dahil sa ilegal na pagtatrabaho sa mga casino ni Lam.

“I came here for [the Criminal Investigation and Detection Group] and Gen. Albayalde for them to assist me and they will present me to Sandiganbayan,” sabi ni Sombrero.

Dati nang itinanggi ni Sombrero na siya ang middleman ni Lam at aniya’y hindi niya kilala ang casino mogul.

Nadawit din ang pangalan ni dating Justice Secretary Vitaliano Aguirre ngunit inabswelto siya ni Sombrero.

BRIBERY SCANDAL
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with