Paglipat ni Napoles sa WPP ibinasura
MANILA, Philippines — Ibinasura ng Sandiganbayan 1st division ang mosyon ni Janet Lim-Napoles na humihiling para ilipat siya sa kustodiya ng Witness Protection Program ng (WPP) ng Department of Justice (DoJ) sa dahilang provisionally admitted na siya sa WPP.
Sa resolusyon ng anti-graft court, iginiit niya na walang merito ang urgent motion for transfee of custody ni Napoles.
Ayon sa Korte, si Napoles ay nakapiit ngayon sa Bagong Diwa sa Taguig sa ilalim ng pangangasiwa ng Bureau of Jail Management and Penology (BJMP) dahil sa legal cause.
Ito ay dahil naibasura na noon pa ng korte ang petition for bail ni Napoles dahil napatunayang mabigat ang mga ebidensiya laban dito.
Kung pagbibigyan umano nila ang hiling nito na mailipat ng kustodiya sa WPP ay lalabag ito sa mismong itinatakda ng batas ng WPP.
Bukod sa first division, si Napoles ay may mga kaso ring plunder sa third at fifth division ng Sandiganbayan kaugnay ng pork barrel scam.
- Latest