Makatatanggap sila ng P20,000 livelihood assistance at P5,000 cash assistance mula sa pamahalaan, subalit makukuha nila ito mula sa mga regional office ng Overseas Workers Welfare Admi­nistration.  File

23 OFWs mula Kuwait balik-Pinas
(Pilipino Star Ngayon) - February 18, 2018 - 12:00am

MANILA, Philippines — Dumating kahapon ang 23 OFWs galing Kuwait sa Ninoy Aquino International Airport  (NAIA) at inaasahang nasa 230 iba pa ang darating sa bansa.

Makatatanggap sila ng P20,000 livelihood assistance at P5,000 cash assistance mula sa pamahalaan, subalit makukuha nila ito mula sa mga regional office ng Overseas Workers Welfare Admi­nistration. 

Ang mga OFW na taga-Luzon ay ihahatid o bibigyan ng perang pamasahe ng OWWA, habang ang mga taga-Visayas at Mindanao ay bibilhan ng ticket sa barko o eroplano.

Ang 23 OFWs ay ilan lang sa libu-libong manggagawa na pawang mga undocumented, oversta­ying OFWs na pumayag sa Kuwait’s amnesty prog­ram noong January 29 at matatapos sa February 22.

Samantala, 34 OFW mula naman sa Jeddah, Saudi Arabia, ang nakauwi na rin sa Pilipinas.

Karamihan sa kanila ay nagtrabaho bilang electrician, technician, at tubero na hindi nakakuha ng “iqama” o residence permit.

“Dalawang buwan silang nakatengga dahil nagkautang ang kumpanyang kanilang pinasukan,” pahayag ni Lynol Fulgencio ng OWWA repatriation and assistance division.

Hindi mapagkaka­lo­oban ng P5,000 cash assistance ang mga OFW na umuwi mula sa Jeddah dahil para lamang ito sa mga sumailalim sa amnestiya. 

Gayunman, maaari silang makakuha ng P20,000 livelihood assistance su­balit ipoproseso muna nila ito sa OWWA regional offices. 

Sasagutin din ng OWWA ang pamasahe nila pauwi sa mga kani-kanilang mga probinsya.   (Butch Quejada/Lordeth Bonilla)

Related video:

NINOY AQUINO INTERNATIONAL AIRPORT (NAIA) OFW
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with