^

Bansa

TESDA nagbigay ayuda sa mga taga-Marawi

Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Aabot sa 10,000 mga internally-displaced persons (IDPs) mula sa Marawi City, bunsod nang naganap na giyera sa lugar, ang ina­asahang makikinabang mula sa Expanded Emergency Massive Skills Training Program (EEMSTP) na ipatutupad ng Technical Education and Skills Development Authority (TESDA).

Ipinaliwanag ni Director General/Secretary Guiling “Gene” A. Mamondiong na layunin ng EEMSTP na lumikha ng mga trabaho at gawin ang IDPs bilang mga construction workers sa pamamagitan ng pag-alok sa kanila ng mga construction-related courses  na may kinalaman sa mga proyekto ng Task Force Bangon Marawi na tutulong  sa gobyerno upang muling ibangon ang Marawi City.

Ang target na mga benepisaryo ng programang ito ay ang mga IDPs mula sa Marawi City, Lanao del Sur, Iligan City, Lanao del Norte at Cagayan De Oro City. Sila ay pipiliin  sa pamamagitan ng pakikipag-ugnayan sa mga kinauukulang local government units (LGUs), national government agencies (NGAs) at Task Force Bangon Marawi.

Ang mga kursong  iaalok na may kaugnayan sa konstruksyon ay Carpentry NC11, Masonry NC I, SMAW NC I, Electrical Installation and Maintenance NC II, Pipefitting NC II at Heavy Equipment Operation (HEO).

Noong November 2017, ang TESDA ay nag-alok ng mga kurso sa ilang  IDPs sa Marawi City.  Ito ay ang mga kursong cake making; dressmaking; massage therapy; Carpentry, paghahanda at pagluluto ng  pagkain; pastry making; t-shirt silk screen printing; paghahanda ng mga poultry at vegetable dishes; agri-crops production.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with