^

Bansa

Mag-asawang lider ng NPA, sumuko

Joy Cantos - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Dumanas ng panibagong dagok ang New People’s Army (NPA) terrorists matapos na sumuko ang mag-asawa na kapwa mataas na lider ng grupo sa South Cotabato kamakalawa ng hapon.

Kinilala ni Captain McGary Dida, civil military operations (CMO) officer ng Army’s 1002nd Infantry Brigade  ang mag-asawa na sina Noel Minioto “Ka Efren” Legazpi, deputy secretary ng Far South Mindanao Region; at Jeanalyn “Ka Wendy” Bendalian, medical staff ng nasabing kilusan.

Sumuko ang mag-asawa sa tropa ng Army’s 27th Infantry Battalion kamakalawa ng hapon sa pakikipagkoordinasyon kay South Cotabato Gov. Daisy Avance Fuentes.

Nabatid na si Legazpi ay nagsimulang sumapi sa NPA terrorists noong 1992 hanggang sa maging lider ito ng kilusan kung saan sa loob ng 26 taon ay aminado itong nalinlang siya ng maling ideolohiya ng CPP-NPA terrorists.

Inihayag ng opisyal na nagdesisyon ang mag-asawa na sumuko sa militar upang landasin na ang pagbabagumbuhay.

Inaasahan na marami pang teroristang NPA ang susuko sa pamahalaan sa susunod na mga araw.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with