3 wanted sa batas, nadakip
Victor Martin (Pilipino Star Ngayon) - January 15, 2018 - 12:00am

Bayombong, Nueva Vizcaya  , Philippines  —  Tatlong kalalakihan na matagal nang mga wanted  sa batas ang nahulog din sa kamay ng mga otoridad matapos ang mahigit dalawang taon na pagtatago sa isang kuweba sa bayan ng Buguey, Cagayan.

Ayon sa pahayag ni P/Supt. Warren Tolito, provincial police director ng Cagayan ang nahuling mga suspek ay kinilalang sina Angel Gallardo, 37, Arnold Abuyuan at Cesar Gano, pawang nasa top 5 most wanted ng Buguey at mga residente ng Zone 4, Barangay sa  Sta. Isabel sa nabangit na bayan.

Napag-alaman na ang pagkahuli sa mga wanted ng pamahalaan ay matapos na mamataan na umuwi si Gallardo sa kanilang Barangay noong Enero 9 na agad namang ipinagbigay alam ng mga residente sa otoridad.

Agad naman na pinangunahan ni C/Supt. Rudil Bassit, hepe ng Buguey PNP ang mga operatiba ng pulisya at mata­gumpay na nadakip si Gallardo bitbit ang dalawang warrant of arrest sa kasong double murder na ipinalabas ng RTC branch 8 na nakabase sa Aparri, Cagayan.

Kasunod nito ay ikinanta naman ni Gallardo ang kinaroroonan ng dalawang iba pa niyang mga kasamahan na sina Abuyuan at Gano na kasama niya sa isa pang ng murder noong 2015 na nagtatago umano sa Immusuk cave ng Barangay Tabbac sa kabundukan ng nasabing bayan.

Napag-alaman na paggawa ng uling ang ikinabubuhay ng tatlong mga wanted habang nagtatago sa kuweba at patagong bumababa isa-isa ang mga ito para bumili ng pangangailangan at pagkain.

Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with