^

Bansa

3 suspek na nakapataysa 17-anyos, timbog

Lordeth B. Bonilla - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Arestado ang tatlong suspek na umano’y responsable sa pamamaril at pagpatay sa isang 17-anyos na binatilyo noong Nobyembre 14 ng gabi sa Makati City.

Kinilala ng hepe ng Makati City Police na si Police Sr. Supt. Gerry Umayao ang mga suspek na sina  JR Talangan Cocjin , alyas  “Nonoy Pating”, 21;  John Patrick Baterna Orias, alyas “Jon-Jon”, 20, at  Jonathan Lelis Cervano, 24.

Ayon kay Umayao, ang nabanggit na mga suspek ang may kinalaman  umano sa pamamaril at pagpatay sa 17-anyos na biktimang si  Maynard Allan Manalo noong Nobyembre 14 ng taong kasalukuyan, alas-6:45 ng gabi sa Upper Azucena St., Brgy. Pembo, Ma­kati City.

Sa follow-up operation ng mga kagawad ng Makati City Police, alas-5:00 kamakalawa ng umaga nadakip sina Cocjin at Orias sa panulukan ng Amarillo at Dafodil Sts., Brgy. Rizal, samantalang si Cervano ay nadakip naman ng ala-1:00 kahapon ng madaling araw sa Pascua St., ng nabanggit pa ring barangay.

Ayon pa kay Umayao, inamin umano sa kanya ng mga suspek, na ang biktima at grupo nito ay kakompitensiya aniya  nila sa iligal na operasyon ng  panghoholdap at snatching.

Kung saan sinabi ng mga suspek, na nitong nakalipas na buwan  sila rin aniya ang responsable sa panghoholdap sa isang convenience store sa Guadalupe, Makati City.

Ang nadakip na mga suspek ay pawang nahaharap sa kasong Murder at Illegal Possession of Fire Arms and Ammunition, na kahapon ay sumailalim na ang mga ito sa inquest proceeding.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with