^

Bansa

LPA ganap nang bagyong Nando

Angie dela Cruz - Pilipino Star Ngayon
 LPA ganap nang  bagyong Nando

Alas-4 ng hapon kaha­pon, ang bagyong Nando ay namataan ng PAGASA sa layong 310 kilometro kanluran hila­gang kanluran ng Dagupan City, Pangasinan. File

MANILA, Philippines — Ganap nang bagyo ang sama ng panahon na nasa Northern Luzon.

Alas-4 ng hapon kaha­pon, ang bagyong Nando ay namataan ng PAGASA sa layong 310 kilometro kanluran hila­gang kanluran ng Dagupan City, Pangasinan.

Taglay ng naturang bagyo ang lakas ng ha­ngin na umaabot sa 45 kilometro bawat oras at may pagbugso na umaabot sa 60 kilometro bawat oras.

Si Nando ay kumikilos pakanluran hilagang kanluran sa bilis na 24 kilometro bawat oras.

Linggo ng hapon, si Nando ay inaasahang nasa layong 810 km kanluran hilagang kanluran ng Sinait, Ilocos Sur o nasa labas na ng ating bansa.

Ang naturang sama ng panahon ay magdadala ng katamtaman hanggang sa malalakas na pag-ulan sa Mindoro provinces, Pangasinan, Zambales, Bataan, Benguet, La Union at Northern Palawan. 

Mahina naman hanggang sa katamtaman ang mararanasang pag-ulan sa Metro Manila, nala­labing bahagi ng Luzon at Western Visayas.

Kaugnay nito, pinayuhan ng PAGASA ang mga taga Luzon area na mag-ingat at maghanda sa posibleng flash floods at landslides sa kanilang lugar.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with