^

Bansa

Sen. Gatchalian isinugod sa ospital

Ellen Fernando - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Isinugod kahapon sa ospital si Sen. Sherwin Gatchalian matapos mahilo sa gitna ng Senate hearing.

Ayon sa media relations officer ni Gatchalian na si Ana Mejia, bandang alas-2 ng hapon nang dalhin sa Makati Medical Center sa Makati City mula sa Senado ang senador ng makaramdam ng matinding pagkahilo.

Nakadalo pa si Gatchalian sa mahabang Senate hearing ng national budget para sa fiscal year 2018 nang makaramdam umano ng pagkahilo.

Sinabi ni Mejia na maaaring ang sunud-sunod na puyat, pagod at gutom ang dahilan ng pagkahilo ng senador.

Pinawi naman ang pangamba ng mga tagasuporta ni Gatchalian nang tiyakin ng tanggapan nito na nasa maayos na siyang kalagayan.

Hindi na rin nakabalik si Gatchalian sa Senado para sa dumalo sa regular na sesyon ng alas-3 ng hapon kung saan nagbigay ng kanyang privilege speech si Sen. Panfilo Lacson sa smuggling sa Bureau of Customs (BoC).

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with