^

Bansa

ISIS ‘hero’ ang tingin ng mga batang bakwit

Rudy Andal - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Ikinabahala ni Philippine Sports Commission (PSC) Chairman William Ramirez ang pagtingala ng mga kabataang evacuees sa Marawi City na mga ‘bayani’ para sa kanila ang mga ISIS fighters.

Sinabi ni Ramirez na nakakabahala ang pananaw na ito ng mga kabataang evacuees kaya agad na ipinabatid niya ito sa concerned government officials.

“In games for peace we found out Marawi kids look up to ISIS as heroes. Ito ang feedback na nakuha namin mula sa mga batang evacuees sa Marawi. We went to Iligan, 1,000 children from Marawi played,” dagdag pa ni Usec. Ramirez.

Aniya, dapat lamang maitama ang pananaw na ito ng mga batang evacuees sa pamamagitan ng mga programa ng pamahalaan tulad ng mga games for peace at pagsailalim ng mga ito sa psychologist.

Samantala, inanunsyo din ni Ramirez na kinansela na ng Pilipinas ang pagiging host nito sa SEA Games 2019 at inilaan na lamang ang pondong P500 milyon sa kabataan sa Marawi.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with