^

Bansa

Mahabang debate sa Martial Law asahan ngayong special session

Malou Escudero - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines -  Inaasahan ang mainit na debate at batuhan ng argumento sa nakatakdang special session ng dalawang kapulungan ng Kongreso ngayong araw, upang pag-usapan ang desisyon kung papalawigin o tatapusin na ang Martial Law sa Mindanao.

Ayon kay Sen. Grace Poe, tiyak na matatalakay kung hanggang kailan dapat tumagal ang ekstensiyon dahil nais ng Malacañang na hanggang Disyembre 31, 2017 ito pero para sa ibang senador sapat na ang panibagong 60 araw.

Tiniyak naman ni Senate Minority Leader Franklin Drilon na kukuwestiyunin ng Liberal Party ang isyu tungkol sa haba ng panahon na dapat ilagay ang Mindanao sa ilalim ng Martial Law.

Naniniwala si Drilon na hindi makatuwiran na ilagay sa ilalim ng ML ang buong Mindanao.

Una nang nagpahayag ng pagnanais si Pangulong Duterte na i-extend ang Martial Law hanggang sa pagtatapos ng taon subalit binigyang-diin ng mga mambabatas na hindi ang Pangulo ang makakapagpasya sa extension kundi ang mga nakaupo sa Kongreso.

Sakaling hindi payagan ang pagpapalawig ng Batas Militar, automatically lifted na ito matapos ang araw ng Sabado dahil paso na ang 60 araw na deklarasyon.

Inaasahang magsisimula ngayong umaga at posibleng magtanggal hanggang mamayang gabi ang nasabing special joint session.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with