^

Bansa

Gobyerno gustong lusawin ni Digong

Rudy Andal - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines -  Gustong buwagin ni Pangulong Duterte ang gobyerno dahil hindi siya kuntento sa patakaran ng pamahalaan.

Aniya, naaawa siya sa mga tao na pabalik-balik sa mga tanggapan ng gobyerno kahit sinasagupa nila ang matinding problema sa trapiko sa Metro Manila.

“I am not satisfied with the government, even in Malacañang because of bureaucratic processes. I want less governmental interference, and I am impatient with processes involving payment for works done,” pahayag ng Pangu­lo sa kanyang mensahe sa Davao City Investment conference kahapon.

Hinimok din ni Pangulong Duterte ang taumba­yan na isumbong sa kanya ang mga katiwalian sa gobyerno at direktang pa­ngalanan ang mga sangkot.

Hindi anya siya mangi­ngiming sibakin ang sinu­mang opisyal na mapapatunayang nasangkot sa anumang anomalya tulad ng kanyang ginawa sa ilang government officials kahit malapit sa kanya.

Siniguro pa ng Pangulo na ang kanyang gobyerno ay walang corruption dahil hindi niya papayagan ang mga ito na manatili sa gobyerno kahit isang segundo dahil sa matagal na panahon na siya ay naging alkalde ng Davao city ay hindi siya nasangkot sa anumang anomalya.

“I am 72 y/o wala akong ninakaw sa gobyerno. Anong gagawin ko sa pera? Why do you have to compare me to Marcos? History has judged him throughout the years; judge me on my own,” dagdag pa ng Pangulo.

Samantala, inulit ni Duterte na ayaw na niyang makipag-usap sa mga komunista dahil sa hindi pagiging sinsero nito sa pakikipag-usap.

“We stop talking, it’s a waste of time. Let us renew the fighting for another 50 years. It’s what you want. You’re killing policemen and soldiers so I’ll bully you,” giit pa ni Duterte.

‘The NDFP branded me as a bully. Tama ka diyan: It is my job to bully people who want to topple the government. You (Joma Sison) are right. This war that you are fighting, let us renew the fighting for another 50 years. It’s what you want. I’m tired. Let’s start fighting. I will not talk to terrorists,” dagdag ng Pangulo.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with