^

Bansa

VP Leni suportado ang martial law sa Mindanao

Pilipino Star Ngayon
VP Leni suportado ang martial law sa Mindanao

Sinabi ni Vice President Leni Robredo na nararapat lamang na suportahan niya ang pamahalaan dahilan sa matindi ang problema ngayon ng bansa sa terorismo lalo na sa Mindanao. Office of the Vice President/Released, file

MANILA, Philippines -  Nagpahayag ng pagsuporta si Vice President Leni Robredo sa pagdedeklara ni Pangulong Rodrigo Déterte ng martial law sa Mindanao.

Sinabi ni Robredo na nararapat lamang na suportahan niya ang pamahalaan dahilan sa matindi ang problema ngayon ng bansa sa terorismo lalo na sa Mindanao.

Sa ngayon anya ay pinag-aaralan din niya ang mga panuntunan hinggil sa naideklarang batas mi­litar ng punong-ehekutibo sa naturang rehiyon.

Pinaalalahanan din ni Robredo ang publiko na maging vigilant sa deklarasyon ng martial law ni Duterte upang hindi na maulit pa ang karahasan, mga pang-aabuso at paglabag sa karapatang pantao na naganap noong diktaduryang Marcos nang ipatupad ang martial law sa ating bansa  noon.

“Hindi na natin papayagan na ito ang maging daan para magkaroon ulit ng nilabanan natin dati ng uri ng pamamahala. Sana hindi na ulit bumalik. Pero iyong sa atin gusto na­ting ihayag ang suporta natin sa ating pangulo at hukbong sandatahan. Kailangan tayong magkaisa,” dagdag ni Robredo.

Pinuri naman kahapon ng Malacanang ang tahasang pagsuporta ni Ozamis City Archbishop Martin Jumoad sa martial law.

Ayon kay Presidential spokesperson Ernesto Abella, pinasasalamatan nila ang pagsuporta ni Jumoad sa laban ni Pangulong Rodrigo Duterte laban sa karahasan sa Mindanao.

 Nagpahayag rin ng pag-asa si Abella  na tutularan ng iba pang obispo at clergy ang ginawa ni Bishop Jumoad na mas prayoridad ang kapaya­paan at kaligtasan ng mga mamamayan.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with