^

Bansa

Inmates sa 100 kulungan bibigyan ng skills training ng TESDA

Mer Layson - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines -  Magiging malawa-kan na ang gagawing pagtulong ng Technical Education and Skills Development Authority (TESDA) sa mga nakapiit sa municipal at city jail sa buong bansa sa pamamagitan ng pagbibigay ng skills training na magagamit ng mga ito sa kanilang pagbabagong buhay.

Ayon kay TESDA Director General, Secre­tary Guiling “Gene” Ma­mondiong, aabot sa 100 kulungan sa buong bansa ang dadayuhin ng kanilang ahensiya upang makapagbigay ng sapat na kasanayan sa mga inmates.

Aniya, ang pagbibigay ng skills training sa mga inmates sa buong bansa ay bilang bahagi ng nilagdaang Memorandum of Agreement (MOA) sa pagitan ng TESDA at ng Bureau of Jail Management and Penology (BJMP) na layuning mabigyan ng pagkakataon ang mga inmates upang makapagbagong buhay sa kanilang pagbabalik sa malayang lipunan.

Kabilang sa mga kurso na maaaring ku-nin ng mga inmates ay ang Front Office Ser-vices NC 2; Customer Service NC 2; Barista NC 2; HEO Forklift NC 2; Automotive Servicing NC 1; Food Processing NC 3; Hilot Wellness Massage NC 2; Motorcycle/Small Engine Services NC 2; Bread and Pastry NC 2; Nail Care NC 2; Massage Therapy NC 2; Beauty Care NC 2; Housekee-ping NC 3; Organic Agriculture NC 2; Animal Production NC 2 at Cookery NC 2.

Maging ang pamilya ng mga inmates sa buong bansa ay bibigyan din ng TESDA ng skills training nang sa gayon ay makakuha ng pagkakakitaan ang mga ito habang ang kanilang mga mahal sa buhay ay hindi pa tuluyang nakalalaya.

vuukle comment

TESDA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with