ID card sa OFWs aprub
MANILA, Philippines - Inaprubahan ng Gabinete ni Pangulong Duterte ang Identification Card System para sa mga overseas Filipino workers.
Sabi ni Presidential Spokesperson Ernesto Abella, ang naturang ID Card ay magbibigay ng privilege sa mga OFW para sa mas mabilis na transaksiyon, kapwa sa pribadong tanggapan at opisina ng pamahalaan.
Ayon kay Abella, maaari ding magamit ang eksklusibong ID bilang debit card at ATM card para sa OFW Workers Bank. Pwede rin aniya itong magamit sa pagsakay sa MRT at LRt bilang beep card.
Sa ngayon ay wala pa namang anunsiyo ang Palasyo kung kailan ito magiging available dahil katatapos lamang na aprubahan ito.
- Latest