NBI pasok sa Que slay probe
Ludy Bermudo (Pilipino Star Ngayon) - December 26, 2016 - 12:00am

MANILA, Philippines – Pumasok na ang National Bureau of Investigation (NBI) sa kaso ng pagpatay sa isang publisher-columnist ng isang pahayagan sa Ca­tanduanes, na sinasabing may kaugnayan sa iligal na droga.

Isang parallel investigation ang isasagawa ng NBI matapos silang atasan ni Justice Secretary Vitaliano Aguirre  na tumatayo ring co-chairman ng Task Force na mag-iimbestiga sa media killings, na tugisin ang killer ni Que at alamin ang mga nasa likod ng pagpapatay.

Si Que ay namatay habang nilalapatan ng lunas matapos magtamo ng bala sa ulo nang barilin ng isa sa riding-tandem noong nakalipas na linggo sa Virac, Catanduanes.

Isang araw bago ang insidente ng pagpatay, nailathala sa lokal na pahayagan ni Que ang  isyu laban sa mga lokal na opisyal ng lalawigan na pawang  nagpabayad kaya nakapagtayo ng ma­laking laboratory ng shabu  sa kanilang lugar na isa umanong mala­king kahihiyan. Nagtulong-tulong umano ang mga Chinese residents para magsabwatan at maitayo ang shabu lab.

Kauna-unahan si Que sa naitalang media killing  sa administration ni Pangulong Rodrigo Duterte.

Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with