^

Bansa

Miriam isinugod sa ospital

Malou Escudero - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Inihayag kahapon ng asawa ni Senator Miriam Defensor-Santiago na inilipat sa Intensive Care Unit (ICU) ng Makati Medical Center (MMC) ang Senadora matapos dalhin sa nasabing ospital noong Mayo 30, Lunes.

Ayon kay Narciso “Jun” Santiago, hindi  muna sila tatanggap ng bisita at hindi rin tatanggap ng mga regalo katulad ng mga bulaklak.

Inilipat umano sa ICU si Santiago noong Martes ng gabi mula sa kaniyang pribadong kuwarto sa MMC.

Sinabi ni Santiago (Jun) sa statement na maayos naman ang kalagayan ng senadora at nakakapagbiro pa rin ito.

Sa statement, nagpasalamat si Santiago sa kanyang pamilya, kaibigan, supporters, fans, at iba pang nagdarasal para sa mabilis niyang paggaling.

Kabilang si Santiago sa mga ga-graduate na senador ngayong 16th Congress at nauna ng nagpadala ng sulat kay Senate President Franklin Drilon na hindi na makakadalo sa mga huling araw ng sesyon dahil sa kanyang karamdaman.

Noon pang 2013 naka-medical leave si Santiago dahil sa chronic fatigue syndrome. Ito rin mismo ang naghayag sa media na mayroon siyang stage 4 lung cancer na naging dahilan upang hindi na lalo siya makapasok sa Senado.

KIM KEUNG UN

PHILIPPINE SUPERLIGA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with