Digong walang First Lady
Rudy Andal (Pilipino Star Ngayon) - May 20, 2016 - 12:00am

MANILA, Philippines - Wala nang magiging First Lady si incoming President Rodrigo Duterte sa gaganapin na simpleng inagurasyon nito sa ?June 30.

Nagdesisyon si President-elect Duterte na wala nang magiging first lady para wala na daw awayan.

Naunang inihayag ni Duterte na ang kanyang panganay na anak at Davao City incoming Mayor Inday Sara Duterte ang tatayong first lady subalit nagbago na ito ng isip at wala nang haharap bilang kanyang Unang Ginang.

Mag-isa lamang si Duterte sa kanyang panunumpa bilang ika-17 pangulo ng bansa sa ?June 30 at walang magiging kasamang miyembro ng kanyang pamilya.

Samantala, magiging simple lamang ang nakatakdang inagurasyon ni Duterte sa ?June 30 na planong ganapin na lamang sa Malacañang.

Nakaugalian na ang inagurasyon o panunumpa ng nanalong pangulo at bise-presidente ay ginaganap sa Quirino Grandstand subalit nais ni Duterte na maging simple lamang ito at ganapin na lamang sa Malacañang habang simple rin ang isusuot nitong barong tagalog.

POLLS
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with