^

Bansa

Alan nag-concede na kay Robredo

Malou Escudero - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Nag-concede na rin kahapon si Senate Majority Leader Alan Peter Cayetano kay Rep. Leni Robredo bilang bagong bise-presidente ng bansa matapos kilalanin ang panalo nito.

 Ayon kay Cayetano, 96 porsiyento na ng kabuuang boto ang nabilang at malinaw umanong si Robredo ang susunod na bise presidente ng bansa.

“Madalas na sinasabi na ang boses ng mamamayan ay ang boses ng Diyos. Dahil dito, ako ay buong pusong nagbibigay daan kay Rep. Leni Robredo.

Ayon sa datos at sa 96% ng kabuuang boto na nabilang na, malinaw na si Rep. Leni ang susunod na bise presidente ng ating bansa. Si Rep. Leni ay hindi lamang nangunguna sa halalan. Nanalo na siya dito,” ani Cayetano.

Sinabi pa ni Cayetano na masakit ang matalo sa eleksiyon pero mas masakit aniyang makita na nagkakahati-hati ang bansa.

Nanawagan rin si Cayetano na respetuhin ang kagustuhan ng nakararaming botante at suportahan sina presumptive President-elect Rodrigo Duterte at presumptive Vice-President elect Robredo.

“Masakit ang matalo sa eleksyon, pero wala nang mas masakit pa na makita na nagkakahati-hati ang ating bansa. Kaya ako ay nananawagan sa lahat ng iba pang kandidato na respetuhin ang mayoryang kagustuhan ng taumbayan at suportahan ang ating presumptive President-elect na si Rodrigo “Rody” Duterte at ang kanyang presumptive Vice President-elect na si Leni Robredo. Simulan na natin ang paglalakbay patungo sa paghilom at pagkakaisa,” ani Cayetano.

Inihayag pa ni Ca­yetano na tiwala siyang rerespetuhin ng lahat ang mga bagong nahalal na lider ng bansa.

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with