^

Bansa

Mar, Grace nag-concede na

Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Tinanggap na rin ni Li­beral Party standard bearer Mar Roxas ang pagkatalo sa katatapos na halalan.

Sa kaniyang pag-concede kahapon, binati nito si Davao Mayor Rodrigo Duterte na nangunguna ngayon sa partial, unofficial result ng Comelec.

Pumapangalawa lamang si Roxas na may higit 9 million votes.

Hangad umano ni Ro­­xas ang tagumpay ni Duterte dahil ang tagum­pay nito bilang pinuno ay tagumpay din ng buong sambayanan.

Nanawagan ang pre­sidential candidate na simulan na ang pagbuo sa bansa na nahati kasunod ng kampanya, galangin at tanggapin ang pasya ng taongbayan.

Pinasalamatan ni Ro­xas ang mga taong tumulong sa kaniyang kam­panya lalo na si Pa­ngulong Aquino at pamil­ya nito at sa kaniyang partido.

Nagpasalamat din ang dating kalihim sa kaniyang pamilya partikular sa kabiyak na si Korina Sanchez.

Hindi aniya ang mga ito bumitaw sa kaniya sa kabila ng mga hinarap na hamon sa kampanya.

Una rito ay nag-concede na rin si Sen. Grace Poe matapos na puma­ngatlo lamang ito sa presidential race.

“Ako si Grace Poe at naging kandidato para sa pagkapangulo ngayong 2016 ay nagbibigay-daan kay Rodrigo Duterte na siyang maliwanag na na­ngunguna sa kasalukuyang bilangan at siyang napili ng nakararami sa ating mga kababayan,” ani Poe sa isang biglaang press conference sa kanyang media headquarters sa Quezon City.

Tinawagan ni Poe si Duterte upang ipaalam ang pag-concede nito.

Kasabay ng pagbati, nangako rin si Poe na makikiisa at tutulong sa pagsusulong ng pagkakaisa para sa bansa.

“Binabati ko si Mayor Rodrigo Duterte at ipinapangako ko ang aking pakikiisa sa paghilom ng ating bayan at pakikiisa ng ating mga kababayan tungo sa patuloy na pag-unlad ng ating bansa,” ani Poe.

Kasunod ng pag-concede ni Poe, nag-concede rin si Sen. Chiz Escudero na sa huling bilangan ay pang-apat sa hanay ng mga tumatakbong bise presidente.

Sinabi ni Escudero na dapat suportahan kung sino man ang mananalo at igalang ang posisyon nito.

Kapwa babalik sa Senado sina Poe at Escudero dahil sa may natitira pa silang tatlong taon para manilbihan bilang mga senador.

Maging si Sen. Grego­rio Honasan ay nag-concede na rin at binati pa si Duterte. Ricky Tulipat/Rudy Andal/Malou Escudero

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with