^

Bansa

Boto bantayan - Recom

Butch M. Quejada - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Nanawagan si 1st district Rep. Recom Echiverri na tumatakbong alkalde sa Caloocan City sa mga botante na bantayan ang kanilang mga boto sa politikong mandadaya sa Lunes at huwag ipagbili ang boto nila.

Si Echiverri, na lumamang ng malaki laban kay Mayor Malapitan ang pinagkatiwalaan dalhin ng kapa­tiran ng Iglesia Ni Cristo matapos mapagtanto ng mga ito ang kanyang pagkatao at mga nagawang tulong sa mga residente lalo na sa mga mahihirap.

“Mahalaga na lumahok tayo sa halalan dahil kaila­­ngan ng mga taga-Caloocan ang tunay na lider at mamumuno para maglingkod sa lungsod,” sabi ni Echiverri.

Ayon kay Echiverri, dapat tayong mag-ingat dahil lumalala ang kriminalidad sa Caloocan sa ngayon matapos ang 9 years term ko bilang alkalde.

Sabi ni Echiverri, na importante ang mabantayan ang ating mga boto dahil may mga masasamang ele­mento ang magtatangka na guluhin ang eleksyon sa Lunes.

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with