^

Bansa

Kampanya tinapos sa miting de avance

Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Tinapos na kahapon ng mga kandidato ang kani-kanilang mga kam­pan­ya na tumagal ng tatlong buwan o 90 araw.

Sa huling araw ng kampanya ng mga presidentiables, dinagsa ang miting de avance nina Davao City Mayor Rodrigo Duterte at Senator Alan Peter Cayetano sa Luneta Park ng tinatayang nasa 300,000 katao.

Ikinumpara nila ang nasabing miting de avance sa isang rally noon para kay dating Pangulong Corazon Aquino, na mismong ang mga tagasuporta umano ang humiling ng venue upang magtipun-tipon sa isang makasaysayang lugar.

Nabatid na1,200 kapulisan ang itinalaga sa Luneta para mangalaga ng seguridad sa pangunguna ng hepe ng Manila Police District-Station 5 na si P/Supt. Akbert Barot.

Samantala, sa Plaza Miranda sa Quiapo, Maynila naman idinaos ang miting de avance ni Sen. Grace Poe at katandem na si Sen. Chiz Escudero na nasa humigit kumulang sa 6,000 ang crowd na dinaluhan din nina Susan Roces, Heart Evangelista at Lovie Poe.

Sa Makati City na sumasaklaw sa bahagi ng Kalayaan Avenue, J. P Rizal at Lawton Avenue tinuldukan ni Vice Pres. Jejomar Binay ang huling araw ng kampanya.

Sa Quezon Memorial Circle sa Quezon City   naman ginanap ang miting de avance ni Liberal Party pres’l bet Mar Roxas.

Habang sa West Triangle, Quezon City naman si Sen. Miriam Defensor Santiago na tinawag lang na street party ang mi­ting de avance na dinaluhan ng higit libong katao. Ludy Bermudo/trainees Aaron Kenneth Bandong at Paul Gabriel Rellosa

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with