^

Bansa

Boto ng taumbayan bantayan - Chiz

Malou Escudero - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Higit sa pagkapanalo, obligasyon ng bawat kandidato na siguraduhing maging malinis, patas at kapani-paniwala ang eleksyon kung saan ang lahat ay mabibigyan ng pagkakataong makaboto at mabilang ng tama ang kanilang boto.

Ito ang naging pa­nawagan ni vice-presidential bet Sen. Francis “Chiz” Escudero sa kanyang mga kapwa kandidato, tatlong araw bago ang halalan bilang pagha­handa sa anumang tangka na dayain ang resulta ng eleksyon.

Hinikayat din ni Escudero ang taumbayan na maging mapagmatyag at hindi dapat matakot na ihayag o ipaalam sa kinauukulan ang anumang maling gawain sa araw ng eleksyon. 

“Sana magtulungan tayong matiyak na magiging malinis at kapani-paniwala po ang halalan. Sinuman ang paboran ng halalan, trabaho nating bantayan ‘yan. Kahit na boto pa ng kalaban namin ay babantayan ng aming watcher dahil bahagi ng aming mandato na tiyaking malinis at kapani-paniwala ang darating na eleksyon,” ani Escudero sa isang panayam sa radyo.

Siniguro rin ni Escudero na nakahanda ang kanyang grupo na protektahan hindi lamang ang karapatan ng mga mamamayan na makaboto kundi maging ang kanilang boto at masigurong ang mga tunay na inihalal ng taumbayan ang syang mananalo.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with