^

Bansa

Buhay irerespeto ko - Binay

Ellen Fernando - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Nangako si UNA standard-bearer Vice Pres. Jejomar Binay na ang administrasyong kanyang pamumunuan bilang pa­ngulo ay magpapaa­ngat sa buhay ng bawat Pilipino at igagalang ang kahalagahan ng buhay.

Inihayag ito ni Binay sa kanyang pagdalo sa isang pagtitipon ng El Shaddai sa Amvel compound sa Parañaque City.

“Inialay ko ang buhay ko sa paglaban para sa mahihirap: Bilang human rights lawyer noong batas military bilang alkalde ng Makati at bilang inyong Bise Presidente. Ang aking panguluhan ay gumagalang sa dignidad ng kababaihan, mga bata at marginalized. Itatagu­yod ng aking panguluhan ang karapatang pantao at halaga ng buhay,” paliwanag ni Binay.

Nauna rito, nagpaha­yag ng suporta sa kandidatura ni Binay sa pagka-pangulo ng bansa ang mga pro-life groups sa ilalim ng Buhay Partylist at Ang Pro-Life Partylist tulad ng Servants Community, Courage Philippines, Pro-Life Philippines Foundation, at iba pang pro-life at Christian Catholic organizations. Ang Buhay Partylist (Buhay Hayaang Yumabong) ay ang party­list ng El Shaddai.

Sinabi pa ni Binay na ipinapanalangin niya na ang mga botante ay pipili ng mga “lider na handang sirain ang siklo ng karahasan sa bansa.” 

“Ang kailangan natin ay pagmamahal at isang tunay na dedikasyon sa pagsugpo sa kahirapan. Hindi natin pinipigil ang kahirapan sa pamamagitan ng pagpatay sa mga maralitang mamamayan. Winawakasan natin ang kahirapan sa pamamagitan ng pagbibigay ng trabaho, pagkain, bahay at dignidad,” paliwanag pa ng Bise Presidente.

“Ang mas mahalaga ay pamumuno na kumikilala, gumagalang at tumatalima sa salita ng Panginoon; pamumuno na gumagalang sa dignidad ng mga kababaihan; pamumuno na magandang halimbawa para sa mga bata; pamumuno na tumutulong at naglilingkod sa mga mahihirap—at hindi ko ipagyayabang ang pagpatay sa kapwa,” sabi pa ni Binay.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with