^

Bansa

Duterte banta sa media

Ellen Fernando - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Sa selebrasyon ng World Press Freedom Week sa unang linggo ng Mayo, naghayag ng paniniwala ang pamilya ng tatlong journalist na pinaniniwalaang pinaslang ng Davao Death Squad na isang banta sa kalayaan ng pamamahayag ang presidential candidate na si Rodrigo Duterte.

“Lalong magiging mapanganib ang trabaho ng mga diyarista sa oras na maupong pangulo ng republika ang dating alkalde ng Davao na obyus ang pagkamuhi sa mga bumabatikos sa kanya,” pahayag ng pamilya nina Jun Pala, Ferdy Lintuan at Rene Galope.

Nabatid na pinatay noong 2003 si Pala habang si Galope, na kritiko ng estilo ng pamamalakad ni Duterte, ay pinatay noong Nobyembre 2004. Si Lintuan, na nagsiwalat sa umano’y paglustay sa pondo para sa pagpapagawa ng Davao People’s Park, ay pinatay din noong kapaskuhan ng 2007. Hanggang sa kasalukuyan, wala pang hustisya sa pagkasawi ng tatlo.

“Gustong patahimikin ni Duterte ang mga mamamahayag na kumakalaban sa kanya at nagbubunyag ng kanyang mga kasamaan. Ang tingin niya sa aming mga anak ay mga kriminal na ginagawa lamang naman ang kanilang trabaho,” pahayag ng ina ng isa sa mga biktima.

“Kapag nanalo siyang presidente ay nanga­nganib ang press freedom. Baka maulit sa ibang miyembro ng national media ang ginawa niya sa aming mga anak sa Davao,” sabi pa niya.

Duda rin ang pamil­ya ng mga biktima sa pangako ni Duterte na daragdagan niya ang proteksiyon ng mga journalist sa bansa kapag nanalo siyang presidente.

“Paano niya gagawin iyon, e ang tingin niya sa mga journalist ay ‘maiingay’ at ‘madadaldal’,” aniya.

Ang babala ay ginawa ng pamilya ng mga biktima, ilang araw bago ang eleksiyon ng National Press Club (NPC) sa Mayo 1, at ang World Press Freedom Day sa Mayo 3 kung saan kinikilala ang mahalagang papel na ginagampanan ng malayang pamamahayag sa demokrasya.

Sa tala ng National Union of Journalists of the Philippines (NUJP), may 170 journalists na ang pinaslang sa bansa magmula noong 1986.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with