^

Bansa

Recto: Pulis dagdagan vs rape

Malou Escudero - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Dahil isang bata o babae ang nagagahasa ngayon bawat 50 minuto, iginiit kahapon ni Sen. Ralph Recto na dapat dagdagan ang pondo kontra karahasan at dagdagan ang bilang ng mga pulis sa bansa.

Ayon kay Recto, kailangang kumilos agad ang susunod na Pangulo at punuan ang 23,820 bakanteng posisyon sa PNP.

“Kung mapupunuan ang mga bakanteng posisyon na ito, madadagdagan ng 12 bagong pulis kada munisipyo at 41 pulis naman kada siyudad sa buong bansa,” ani Recto.

Bawat pulis na maidadagdag para magpat­rulya sa mga komunidad ay nangangahulugan ng kabawasan sa mga kaso ng panggagahasa at iba pang krimen laban sa kababaihan.

Sinabi ni Recto na bagama’t napondohan ng Kongreso ang plantilla para sa 174,410 posisyon sa PNP, tanging 150,590 lamang ang napupunuan dito hanggang sa ngayon.

“Malaking bagay ang dagdag na pulis, Lahat ng bayan at siyudad sa Pilipinas nagrereklamo na kulang sila sa pulis,” wika niya.

Sa pagtaya ng Commission on Population, aabot sa 104 milyon ang mga Pilipino ngayon taon. Ibig sabihin, may isang pulis lamang na nakaantabay para tiyakin ang seguridad ng 690 katao.

Ayon pa kay Recto, ang nakakabahalang estadistika sa kaso ng panggagahasa ay sapat na para magdagdag ng bilang ng pulis at bumili ng mas maraming kagamitan kontra krimen.

“Noong isang taon lamang, umabot sa 10,298 ang kaso ng panggagahasa na inireklamo sa pulis­ya at iba pang ahensyang tagapagpatupad ng batas. Mas mataas ito kumpara sa 9,887 kaso noong taong 2014,” ani Recto.

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with