^

Bansa

RCBC manager nakakuha ng 'laundered' money

Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Inilaglag ng isa sa kaniyang mga kasamahan si Rizal Commercial Banking Corp. bank manager Maia Santos-Deguito kung saan isiniwalat na nakakuha siya ng pera sa ninakaw na pera as Bank of Bangladesh.

Sinabi ni Romualdo Agarrado, customer service head ng RCBC Jupiter branch na nakita niya ang paglalagay ng pera sa kotse ni Deguito na nakaparada sa harap ng kanilang opisina.

Ikinuwento ni Agarrado sa imbestigasyon ng Senate Blue Ribbon Committee na noong Pebrero 5, araw kung saan ipinasok umano ang $22 milyon sa account ng negosyanteng si William go, ay nag-request ang assistant ni Deguito na si Angela Torres ng P20 milyon sa cash center ng banko.

Patuloy pa niya na inilagay ng isang teller ang pera sa loob ng kahon na dinala sa opisina ni Deguito.

Aniya ang branch messenger na si Jovy Morales ang naglagay ng pera sa sasakyan ni Deguito.

"Kitang-kita ko po kasi nakaupo po ako sa table [facing] the main door of the branch. Personally, nakita ko," wika n Agarrado.

Sinabi naman ni Go na wala siyang bank account sa RCBC Jupiter branch, ngunit ayon kay Torres ay nakita niyang dinala sa Lexus SUV ni Go ang pera at ang paglagda ng negosyante sa withdrawal slip.

Bago ang pagdinig ay nilagdaan ni Go ang waiver of bank secrecy upang maimbestigahan ang kaniyang account.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with