P7-M na pabuya sa ulo ni Marwan may umangkin na
(Pilipino Star Ngayon) - January 29, 2016 - 3:20am

MANILA, Philippines – Kinumpirma ng Philippine National Police (PNP) ngayong Biyernes na isang impormante ang umangkin ng P7-milyon na pabuya sa ulo ni Malaysian terrorist Zulkifli bin Hir, alyas Marwan.

Tumanggi si PNP spokesman, Chief Superintendent Wilben Mayor na magbigay pa ng impormasyon tungkol sa impormante.

“Meron (umangkin). Under process na,” wika ni Mayor.

“Ang makukuha lang nya ay yung galing sa DILG. Wala tayong pakialam dun sa reward na galing sa US,” dagdag niya.

Tinatayang aabot sa P200 milyon ang pinagsamang pabuyang ipinangako ng gobyerno ng Pilipinas at Estados Unidos.

Sa naturang operasyon ay 44 miyembro ng Special Action Force ang nasawi matapos makaengkwentro ang mga Moro Islamic Liberation Front at moro rebels.

 

ANG BIYERNES CHIEF SUPERINTENDENT WILBEN MAYOR ESTADOS UNIDOS KINUMPIRMA MARWAN MERON MORO ISLAMIC LIBERATION FRONT PHILIPPINE NATIONAL POLICE PILIPINAS SPECIAL ACTION FORCE
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with