^

Bansa

Presidente, iba pa pwede ng manumpa sa bgy. chairman

Gemma Amargo-Garcia - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Maaari nang manumpa ang mga halal na opis­yal ng gobyerno tulad ng presidente sa mga kapitan ng barangay.

Ito’y matapos na i-adopt ng Kamara ang Senate approved version ng panukalang batas kung saan naipadala na ito sa Malakanyang at hinihintay na lamang ang pirma mula kay Pangulong Aquino.

Sa ilalim ng Senate Bill 2693, ang may 42,000 barangay captain sa buong bansa ay maaari ng mag-administer ng oaths ng Vice-President, miyembro at secretaries ng Mataas at Mababang Kapulungan ng Kongreso, miyembro ng Hudikatura, Secretaries of Departments, provincial governors at Lieutenant governors.

Gayundin ang City mayors; municipal ma­yors; bureau directors; regional directors; clerks of courts; registrars of deeds, iba pang civi­lian officers sa bansa na itinalaga ng Pangulo at sasailalim sa confirmation ng Commission on Appointments at iba pang constitutional officers at notary public.

Ayon kay Camarines Sur Rep. Salvio Fortuno, may akda ng panukala sa Kamara, may karapatan din ang mga government officials na mamili kung kaninong public officials nila gustong manumpa.

Ito ay bilang pagkilala na rin umano sa mahalagang role ng barangay chairmen sa political structure ng gobyerno.

Giit pa ni Fortuno, habang ang nasabing panukala ay puputol sa matagal ng tradisyon kung saan ang presidente ang siyang nanunumpa sa Chief Justice, ay magbibigay din ito ng pagkilala sa walang pagod na suporta na ibinibigay ng mga punong barangay sa Presidente.

ACIRC

ANG

CAMARINES SUR REP

CHIEF JUSTICE

ITO

KAMARA

MABABANG KAPULUNGAN

PANGULONG AQUINO

SALVIO FORTUNO

SECRETARIES OF DEPARTMENTS

SENATE BILL

Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with