^

Bansa

Medical services libre pa rin sa Maynila, mananabotahe, binalaan ni Mayor Erap

Doris Franche-Borja - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Binalaan ni Manila Mayor Joseph Estrada ang mga duktor at iba pang medical workers sa mga ospital at health center ng lungsod na ipag­haharap niya ng kaso ang sinumang mapapatunayang nanabotahe sa programang pangkalusugan ng lokal na pamahalaan.

Ayon kay Mayor Erap, nanatiling libre ang lahat ng serbisyong medikal sa mga pampublikong ospital sa lungsod basta’t residente lamang ng Maynila.

Sa mga unang buwan niya bilang alkalde,  sinabi ni Erap na nadiskubre nilang marami sa mga nakikinabang ng free medical services ng lungsod ay hindi naman taga-Maynila kaya kinailangan nilang magsagawa ng imbentaryo sa mga nagiging pasyente.

“Naagawan pa ng serbisyo ang mga residente ng Maynila dahil nalaman natin na may mga taga-Kalookan, taga-Pasay at mga taga ibang lungsod ang dumadayo pa sa Maynila para magpagamot magmula nang palawakin at isaayos natin ang medical services dito,” sabi pa ni Mayor Erap.

Katunayan, sinabi ng alkalde na marami nang nakikinabang ng libreng serbisyo sa Manila Dialysis Center magmula nang malagyan ng bagong dia­lysis machine para sa mga kidney patients.

Tahasang sinabi ni Mayor Erap na 40 years napabayaan ang Ospital ng Maynila dahil sa kawalan ng mga gamot, pasilidad at duktor subalit sa loob lamang kanyang unang termino ay nasagip niya ito para mas pakinabangan ng mga taga-lungsod.

“Ang maipagmamalaki natin, ngayon kahit anong oras sila mangailangan ng medical services sa mga ospital ng lungsod ay magagamot sila dahil kumpleto sa mga pasilidad at siguradong may gamot,” dagdag pa ng alkalde.

Muling pinaalalahanan ni Mayor Erap ang mga taga-Maynila na libre ang lahat ng serbisyong medical sa mga ospital ng lungsod at hinimok niya ang mga mamamayan na direktang magpunta sa kanyang opisina kapag nabiktima ng pananabotahe ng mga mga tiwali at namumulitikang medical staff.

vuukle comment

ACIRC

ANG

AYON

BINALAAN

ERAP

LUNGSOD

MANILA DIALYSIS CENTER

MANILA MAYOR JOSEPH ESTRADA

MAYNILA

MAYOR ERAP

MGA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with