Poe inulan ng disqualification case
Malou Escudero (Pilipino Star Ngayon) - November 11, 2015 - 9:00am

MANILA, Philippines – Pang-apat na disqualification case na ang isinampa laban kay Sen. Grace Poe dahil sa kanyang pagtalikod sa kanyang Filipino citizenship at pagtanggap ng US citizenship, kadikit ng kanyang pagtakbo para maging presidente sa halalan 2016.

Isinampa ni Amado Valdez, dean ng College of Law ng University of the East ang pang-apat na petisyon laban sa kandidatura ni Poe sa Comelec.

Nauna nang nagsampa ng kaso sina De La Salle University political science Prof. Antonio Contreras, isang mahigpit na kritiko ng administrasyong Aquino, Atty. Estrella Elamparo at dating senador Kit Tatad, adviser ni VP Jejomar Binay.

Sinabi ni Dean Valdez na hindi na kwalipikado si Poe na tumakbo para maging pangulo dahil isinuko na niya ang kanyang pagiging natural-born citizen nung naging US citizen siya. Hindi rin daw residente ng 10 taon dito sa Pilipinas si Poe, isang kwalipikasyon na nakasaad sa Saligang Batas.

Itinanggi naman ng mga nagsampa ng kaso na may mga political backer sila kaya’t kinasuhan nila si Poe.

AMADO VALDEZ ANTONIO CONTRERAS COLLEGE OF LAW DE LA SALLE UNIVERSITY DEAN VALDEZ ESTRELLA ELAMPARO GRACE POE JEJOMAR BINAY KIT TATAD SALIGANG BATAS UNIVERSITY OF THE EAST
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with