DOH nagbabala sa antibiotics
MANILA, Philippines – Hindi nakabubuti ang pagsasarili sa paggamit ng antibiotics.
Ayon sa Department of Health, kapag nag-self medicate o basta-basta uminom ng antibiotic ay posibleng hindi na tatalab sa susunod na pagkakataon ang iba pang gamot dahil magiging “drug resistant” na ang mikrobyo sa katawan.
Kailangan ay magpakonsulta at magpareseta muna sa doktor bago bumili ng antibiotics sa lisensyadong botika. Nakasaad din na kailangan ay kumpletuhin ang iniresetang gamutan kahit bumuti na ang pakiramdam sa mga unang araw ng pag-inom ng antibiotics
Hindi rin kailangang manghiram ng reseta para lang makabili ng antibiotics
Ang antibiotics ay mga gamot na tumutulong labanan ang ating mga impeksyon. Ang maling paggamit nito ay maaaring magdulot ng masamang epekto. Wala nang tatalab na gamot kapag tayo ay nagkasakit at magiging “drug resistant” na ang mikrobyo.
- Latest