Sino si Eddie Ybañez?

(Pilipino Star Ngayon) - August 25, 2015 - 10:00am

MANILA, Philippines – Hinamon kahapon ng kampo ni Vice President Jejomar Binay si Senador Antonio Trillanes na ipaliwanag ang mga kakayahan at kasanayan ni Eddie Ybañez na isa sa 63 consultant ng senador at siyang may pinakamababang sahod.

“Sino si Eddie Yba­ñez?” tanong ni Atty. Rico Quicho, vice presidential spokesperson for political affairs, kay Trillanes. Dapat anyang makita ang resume ni  Ybañez.

Pinuna ni Quicho na si Ybañez ay tumatanggap lang ng P3,500 kada buwan habang ang kapatid ni Trillanes na si Juan Antonio ay binabayaran ng halagang P71,200 bilang consultant’s fee.

“Anong klaseng confidential consultancy ser­vice ang ibinibigay ni Ybanez sa senador para sa halagang P3,500 kada buwan? Ano ang linya ng kanyang kasanayan?,” tanong pa ni Quicho kay Trillanes.

Sinabi ni Quicho na, batay sa resolution 000831 ng Civil Service Commission, ang consultant ay isang tao na nagbibigay ng professional advice sa mga bagay na merong kaugnayan sa kanyang kaalaman o kasanayan.

“Imbes na sagutin ang isyu ng pagkuha ng dalawang drayber at isang houseboy bilang consultants, humarap si Senator Trillanes sa media na galit na galit. Sa halip na magpaliwanag, sinisi niya ang Office of the Vice President,” sabi pa ni Quicho.

Ipinaalala ni Quicho kay Trillanes na ang senador ang kinukuwestyon ng COA hinggil sa mga consultant nito at hindi ang Bise Presidente.

ACIRC ANG ATILDE BISE PRESIDENTE CIVIL SERVICE COMMISSION EDDIE YBA JUAN ANTONIO OFFICE OF THE VICE PRESIDENT QUICHO RICO QUICHO TRILLANES
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with