^

Bansa

Mar umaasa pa rin kay Poe

Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Umaasa pa rin si Li­beral Party (LP) presidential standard bearer  at Interior and Local Government Secretary Manuel “Mar” Roxas II  sa kanilang tambalan ni Senadora Grace Poe  bilang kaniyang running mate kaugnay ng May 2016 national elections.

Ito’y sa gitna na rin ng paghahanap ng LP ng makaka-tandem ni Ro­xas sa inaantabayang pambansang halalan sa bansa.

“Nanatiling bukas ako, ang Pangulo, ang partido sa posibilidad na ito at kaya naman po di ba ang Pa­ngulo  mismo sinabi niya na sinikap niya na manatiling buo ang puwersa para sa pagbabago at maaari ay mangyari pa rin ito,“ ani Roxas nang matanong kung bukas ito sa kanilang tambalan ni Poe.

Kasabay nito, kinumpirma ni Roxas na inihain na niya sa Pangulo ang kaniyang courtesy resignation.

“Monday afternoon (Agosto 3) isu-submit ko na. Kung ano ang tama at palagay ko gagawin ko. Bahala na sila (kritiko) kung ano ang naiisip nila. Kung ano man yung kanilang mga assumption, mga intriga  at kung ano pang mga pananaw kanila na yun “, pahayag pa ni Roxas.

Si Poe na nangunguna sa mga presidential at vice presidential surveys ang  isa sa mga nais ni Roxas na maging running mate sa 2016 national polls. Binigyang diin ng Kalihim na ang nais niyang maging running mate ay yaong naniniwala at ipag­lalaban ang prinsipyo ng daang matuwid. Nang matanong naman kung patuloy ang negosasyon ng LP para makumbinse si Poe na maging running mate ni Roxas  ay sinabi nitong umaasa siya sa positibo nitong resulta.

Nagpaalam na rin kahapon si  Roxas sa mga opisyal at tauhan ng  Philippine National Police (PNP) at Department of Interior and Local Government (DILG).  Sa flag raising ce­remony kahapon sa Camp Crame sa Quezon City, sinabi ni Roxas na magkahalong emosyon ng lungkot, karangalan at saya ang kaniyang nararamdaman pero kailangan na niyang magpaalam sa PNP na nasa ilalim ng DILG na kaniyang pinamumunuan.

vuukle comment

ACIRC

ANG

CAMP CRAME

NBSP

PANGULO

PHILIPPINE NATIONAL POLICE

QUEZON CITY

ROXAS

SENADORA GRACE POE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with