^

Bansa

Cedric Lee, ex-Bataan mayor ipinaaaresto ng Sandiganbayan

Angie dela Cruz - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Ipinaaaresto na ng Sandiganbayan ang negosyanteng si Cedric Lee at si dating Mariveles, Bataan mayor Angel Peliglorio Jr. dahil sa kasong graft at malversation.

Nag-ugat ang kaso sa umano’y kuntsabahan ng dalawa para maibigay ang P23 milyong kontrata kaugnay ng palengke sa Mariveles sa Izumo Contractors na pinamumunuan ni Lee. 

Ayon kay 3rd Division clerk of court Atty. Dennis Pulma nakakita ng pro­bable cause ang graft court para maidiin ang dalawa sa kaso.

Inirekomenda ang P30,000 para sa kasong graft habang P40,000 sa malversation case para sa pansamantalang kalayaan ng dalawa.

Sinasabing ang pondo ay naipalabas  ni Peliglorio para sa una pero hindi naman nagawa ang palengke at sa ibang bagay nagamit ang pondo.  

Bukod dito, si Lee ay mayroon ding tax evasion case dahilan naman sa umano’y pagkabigo ng Izumo na magbayad ng P194.47 milyon sa  buwis mula 2006 hanggang 2009.

Si Lee kasama ni Deniece Cornejo ay nadawit sa umano’y pambubugbog sa aktor na si Vhong Navarro subalit pansamantala siyang nakalaya noong Setyembre matapos magpiyansa ng P500,000 sa kasong serious illegal detention.

 

vuukle comment

ACIRC

ANG

ANGEL PELIGLORIO JR.

AYON

CEDRIC LEE

DENIECE CORNEJO

DENNIS PULMA

IZUMO CONTRACTORS

MARIVELES

SI LEE

VHONG NAVARRO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with