Pemberton ‘di isusuko ng US
Joy Cantos (Pilipino Star Ngayon) - December 18, 2014 - 12:00am

MANILA, Philippines - Nais ng Estados Uni­dos na manatili sa kanilang kustodya si US Marine Pfc. Joseph Scott Pemberton na suspek sa pagpatay sa Pinoy transgender na si Jennifer “Jeffrey “ Laude.

Sinabi ni US Ambassador Philip Goldberg na pinadalhan na nila ng notice ang pamahalaan ng Pilipinas hinggil sa kanilang intensiyon na manatili sa kanilang kustodya si Pemberton sa ilalim ng proseso ng batas.

Ito’y matapos mag-isyu na ng warrant of arrest si Olongapo City Regional Trial Court (RTC) Branch 74 Judge Roline Ginez Jabalde laban kay Pemberton.

Sa ilalim ng Phl-US Visiting Forces Agreement (VFA), maaring hilingin ng pamahalaan ng Pilipinas ang kustodya ng US serviceman na nahaharap sa kasong murder. Gayunman, maaring magdesisyon ang gobyerno ng Amerika kung pagbibigyan o ibabasura ang nasabing kahilingan.

Sinabi ni Goldberg na pumayag ang US government na magkaroon ng ‘judicial process’ sa ilalim ng batas ng Pilipinas alinsunod sa VFA.

Sa kasalukuyan, nakadetine si Pemberton sa Mutual Defense Security Board-Security Engagement Board (MDB-SEB), ang pasilidad ng US sa loob ng Camp Aguinaldo kung saan ito dinala noong Oktubre 22.

Sa ilalim ng VFA, ang paglilitis laban kay Pemberton ay tatagal ng isang taon.

AMBASSADOR PHILIP GOLDBERG CAMP AGUINALDO ESTADOS UNI JOSEPH SCOTT PEMBERTON JUDGE ROLINE GINEZ JABALDE MARINE PFC MUTUAL DEFENSE SECURITY BOARD-SECURITY ENGAGEMENT BOARD OLONGAPO CITY REGIONAL TRIAL COURT PEMBERTON PILIPINAS
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with