Binay nag-sorry sa KBP
Ellen Fernando (Pilipino Star Ngayon) - November 14, 2014 - 12:00am

MANILA, Philippines -  Personal na humingi ng paumanhin kahapon sa Kapisanan ng mga Brodkaster ng Pilipinas (KBP) si Vice President Jejomar Binay.

Sa isang event ng KBP sa Tagaytay ay nag-sorry si Binay sa desisyong pag-atras sa itinakdang debate nila ni Sen. Antonio Trillanes IV.

Sinabi umano ni Trillanes sa media na isang mahusay na abogado si Binay at mahusay magsalita habang ang una ay kumuha na ng tutor bilang pag­hahanda sa debate. Dahil dito, nagdesisyon umano siyang umatras na sa debate dahil ayaw niyang tila pinalalabas ni Trillanes na siya ay underdog sa laban.

Una nang nadismaya ang KBP sa nangyaring pag-atras ni Binay pero nirerespeto nito ang desisyon ng bise presidente. 

 

ANTONIO TRILLANES BINAY BRODKASTER DAHIL KAPISANAN PILIPINAS SINABI TAGAYTAY TRILLANES VICE PRESIDENT JEJOMAR BINAY
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with