^

Bansa

Mag-ingat sa agenda ni Lacson - SB

Gemma Amargo-Garcia - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Dapat na mag-ingat ang publiko sa personal na agenda ni dating Senador Panfilo Lacson sa pagbubunyag sa mga pangalan ng mga mambabatas na sangkot sa pork barrel scam.

Ayon kay House Speaker Feliciano Belmonte Jr. at Vice-president ng Liberal party (LP), mistulang may personal agenda, sariling plano at sariling laro si Lacson sa pagsasapubliko sa “Napolist”.

Paliwanag ni Belmonte, ipinasubpoena na ng Se­nate Blue Ribbon Committee si Justice Secretary Leila de Lima at dapat na munang hintayin ang aksyon dito ng Senado at huwag pangunahan.

Nagpahayag na rin naman si Lacson ng kahandaan  na haharap sa pagdinig sa oras na maipatawag ng Senado upang masuri ang listahan at makita kung may pagkakaiba sa listahan na hawak niya at ang  kay Sec.De Lima.

Maging ang ibang miyembro ng mayorya na sina Misamis Occidental Rep. Jorge Almonte at Quezon City Rep. Bolet Banal ay sang-ayon na ipaubaya na lamang sa senado ang pagbusisi sa Napolist.

Samantala, inakusahan naman ni Navotas Rep. Toby Tiangco, si Pangulong Aquino ng cover-up dahil sa pagwawalang bahala nito laban sa kanyang mga kaalyado na kasama sa listahan ni Napoles.

vuukle comment

BLUE RIBBON COMMITTEE

BOLET BANAL

DE LIMA

HOUSE SPEAKER FELICIANO BELMONTE JR.

JORGE ALMONTE

JUSTICE SECRETARY LEILA

LACSON

MISAMIS OCCIDENTAL REP

NAPOLIST

NAVOTAS REP

PANGULONG AQUINO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with