Gov’t di matitinag
MANILA, Philippines - Pinag-aaralan ni Pangulong Benigno Aquino III ang magiging hakbang ng pamahalaan sa panggigipit ng Chinese Coast Guard sa civilian ship na maghahatid ng supply sa BRP Sierra Madre sa Ayungin Shoal, ayon kay PCOO Sec. Herminio Coloma Jr..
Sinabi ni Coloma na hindi matitinag ang pamahalaan sa patuloy na paggamit ng diplomasya at matahimik na pagresolba sa usapin sa West Philippine Sea sa kabila ng ginawang panghaharang ng Chinese Coast Guard kamakailan.
“Patuloy pong pinag-aaralan ng Pangulo at ng Gabinete ang sitwasyon para makabuo po tayo ng makatwirang katugunan,†wika pa ni Coloma.
Makaraang gipitin ng Chinese ang civilian ship na maghahatid ng supply sa BRP Sierra Madre ay nagawa naman ng AFP sa pamamagitan ng paglulan sa civilian fishing vessel na maghatid ng supply doon.
Nangyari ito matapos ihain ng gobyerno ang ‘memorial’ o summary of arguments sa UN Arbitral Tribunal sa The Hague laban sa China dahil sa excessive claims nito sa South China Sea.
Siniguro naman ni Chinese President Xi Jinping na walang mangyayaring gulo sa South China Sea puwera na lamang naman daw kung mayroong maghahamon sa kanila.
- Latest


















