^

Bansa

Binay at Erap nagkabati na

Malou Escudero - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Matapos ang napaulat na tampuhan, nagkabati na umano sina Vice President Jejomar Binay at dating pangulo at ngayon ay Manila Mayor Joseph Estrada sa mismong kaarawan ni Senate Minority Leader Juan Ponce Enrile.

Ayon sa isang source, kapwa dumalo sina Binay at Estrada sa sorpresang birthday party na ibinigay ng mga malalapit na kaibigan at kamag-anak kay Enrile na nagdiwang ng kanyang ika-90 kaarawan kamakawala.

Sinabi ng source na nagkamay pa ang dalawa na napaulat na nagkatampuhan matapos kontrahin umano ni Binay ang isang proyekto na papasukin ng Manila government at SM Development Corporation upang i-rebuild ang Central Market sa Sta. Cruz, Manila bilang isang 3-level structure na magkakaroon ng grocery sa ground level.

Itinuturing umano ni Erap na hulog ng la­ngit ang nasabing public-private partnership dahil walang gasgastusin ang gobyerno ng Maynila at isang floor lamang ang gagamitin ng SM.

Pero ang nasabing lupa ay hindi na pag-aari ng Maynila dahil pag-aari na ito ng Home Guaranty Corporation na nasa ilalim naman ng Housing and Urban Development Council (HUDCC) na pinamumunuan ni Binay.

Matatandaan na sina Binay, Enrile at Estrada ang itinuturing na “Three Kings” ng oposisyon sa nagdaang senatorial elections.

Samantala, bukod kina Binay at Estrada, dumalo rin sa ika-90 kaarawan ni Enrile si Mrs. Cristina Enrile at anak nilang si Katrina.

Ginawa ang party sa Mandarin Hotel kung saan 16 katao lamang umano ang naimbitahan.

Present din sa dinner ang mga senador na sina Nancy Binay, Jinggoy Estrada at asawang si Precy; Tito Sotto at asawang si Helen, Gregorio Honasan at asawang si Jane; Dra. Loi Estrada, kapatid ni Enrile na si Armida Siguion Reyna at Ira Potenciano.

Hindi naman dumalo sa okasyon ang isa pang anak ni Enrile na si da­ting Cagayan Rep. Jack Enrile.

Ayon sa source, halos lahat ng dumalo ay nagpa-unlak ng kanta na inialay kay Enrile.

Si Enrile na ngayon ang pinakamatandang senador na nabubuhay sa kasaysayan ng bansa.

Kapwa nahaharap sa pork barrel fund scam sina Enrile at Jinggoy.

 

ARMIDA SIGUION REYNA

AYON

BINAY

CAGAYAN REP

CENTRAL MARKET

DEVELOPMENT CORPORATION

ENRILE

GREGORIO HONASAN

HOME GUARANTY CORPORATION

  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with