Uulan ng bulalakaw
Angie dela Cruz (Pilipino Star Ngayon) - January 2, 2014 - 12:00am

MANILA, Philippines - Makaraan ang pag-ulan ng makukulay na firecrackers sa kalangitan nitong pagsalubong ng bagong taon, makakakita naman ang taumbayan ng pag-ulan ng bulalakaw mula January 1 hanggang January 7 ngayong taon.

Ayon sa PAGASA, ang naturang insidente ay taunang nagaganap sa kalangitan at ito ay tinatawag na Quadrantid meteor shower.

Mas kapana-panabik ang mas nakararaming pag-ulan ng bulalakaw sa pagitan ng Enero 3 hanggang Enero 4 kung saan may 40 bulalakaw ang makikita sa kalangitan kada oras.

Ang bulalakaw ay mula sa tinatawag na Bootes constellation.

Mas maganda raw panoorin ang pagsabog ng mga bulalakaw kung walang magaganap na pag-ulan at walang buwan.

AYON BULALAKAW ENERO KALANGITAN MAKARAAN MAS PAG QUADRANTID ULAN
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with