SSS aayuda sa Zamboanga
Angie dela Cruz (Pilipino Star Ngayon) - September 24, 2013 - 12:00am

MANILA, Philippines - Naglunsad ang Social Security System (SSS) ng isang  assistance package upang matulungan ang mga miyembro nito na apektado ng kaguluhan sa Zamboanga City.

Ayon kay SSS President and Chief Executive Officer Emilio S. de Quiros Jr, ang mga apektadong miyembro na taga Zamboanga ay maaaring mag avail ng salary loans, house repair at improvement loans na may mababang annual interest rate

Sinabi ni de Quiros, maaari ding maka renew ng salary loan  ang mga miyembro ng mas maaga sa itinakdang petsa ng araw ng kanilang regular loan.

Wala din anyang parusa sa mga miyembro na taga Zamboanga  na may utang na dahil sa epekto ng kaguluhan ay hindi agad makababayad bas­ta mag avail lamang sa  Loan Penalty Condonation Program ng ahensiya.

Ang mga miyembro naman na tumatanggap ng pension para sa retirement at disability o ang survivor pensioners ay maaaring makuha ng advance ang kanilang 3 buwang halaga ng pension sa ilalim ng SSS assistance package.

 

AYON LOAN PENALTY CONDONATION PROGRAM NAGLUNSAD PRESIDENT AND CHIEF EXECUTIVE OFFICER EMILIO S QUIROS QUIROS JR SOCIAL SECURITY SYSTEM ZAMBOANGA ZAMBOANGA CITY
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with