Ex-chief of staff ni JPE hindi na bumalik ng Pinas
MANILA, Philippines - Hindi na umano buÂmalik ng bansa ang dating chief of staff ni Senate Minority LeaÂder Juan Ponce Enrile na si Jessica Lucila “Gigi†Gonzales Reyes, kung saan nakatakda sana itong dumating ng Pilipinas noong SetÂyembre 3.
Ito ang napag-alaman kay Bureau of Immigration officer-in-charge Siegfred Mison kung saan kinumpirma nito na lumabas ng bansa si Reyes noong Agosto 31 dakong alas 7:50 ng gabi via Cebu Pacific flight 5J 362 patungong Macau.
“We have no record of her coming back. She has a ticket coming back but I don’t think she has used it to come back because we have no record of anyone using her name on September 3,†ani Mison.
Si Reyes ang daÂting chief of staff of EnÂrile, na isa sa mga senador na isinasangkot sa pork barrel scam ng negosyanteng si Janet Lim Napoles.
Umalis si Reyes ng bansa dalawang araw matapos lumabas sa isang pahayag ang testimonya ng isa sa mga saksi na umano’y nagdala ng ‘pork barrel’ kay Reyes.
Kamakalawa ay sinabi ng pork scam whistle-blower na si Benhur Luy sa Senate Blue Ribbon Committee hearing na ilan sa mga chiefs of staff ng mga senador at kongresista ay nakakakuha ng komisyon mula kay Napoles.
Aminado si Mison na wala namang hold departure order o watch list order laban kay ReÂyes kaya’t pinayagan itong umalis ng bansa.
- Latest