Gov. Garcia guilty sa kasong grave misconduct
Angie dela Cruz (Pilipino Star Ngayon) - February 5, 2013 - 12:00am

MANILA, Philippines - Idineklara ni Ombudsman Conchita Carpio Morales na guilty si  Cebu Governor Gwendolyn Garcia at lima pang  provincial officials ng  Cebu  sa kasong grave misconduct kaugnay ng umanoy naganap na iregularidad sa pagbili ng lokal na pamahalaan sa Balili Estate noong taong 2008.

 Bukod kay Garcia, guilty din sa naturang kaso sina Juan Bolo, boardmember ng Sangguniang Panlalawigan ng  Cebu; Anthony Sususco, Roy Salubre, at Eulogio Pelayre, pawang miyembro ng Provincial Appraisal Committee at Emme Gingoyon, Provincial Budget Officer ng Cebu.

Sa 26 pahinang Joint Decision na nilagdaan ni Morales na may administrative liability si Garcia at Bolo sa kanilang reelection sa nagdaang 2010 National and Local Elections habang sina Sususco, Salubre, Pelayre at Gingoyon ay  paparusahan ng pagsibak sa serbisyo bilang accessory penalties sa mga ito.

Ang kaso ay nag-ugat sa tatlong hiwalay na reklamo sa tanggapan ng Ombudsman ng Visayas’ Public Assistance and Corruption Prevention Office (PACPO-Visayas), Manuel Manuel at Crisologo Saavedra.

Ang bayaran sa biniling lupa ay naisagawa umano sa pamamagitan ng isang Memorandum of Agreement (MOA) na pinasok ni Gov. Garcia  at ang lupa ay matatagpuan sa Tina-an, Naga, Cebu na may halagang P400 kada square meters.

Sinasabing ang 50 percent ng total payment sa naturang estate ay kinuha ng provincial government  sa P50-milyon budget na laan sana sa implementas­yon ng Site Development and Housing Program sa ilalim ng  Social Services.

Nakasaad sa desisyon na ang paggamit ng pondo para  sa ibang bagay ay illegal kaya hinatulang guilty ang mga akusado.

 

ANTHONY SUSUSCO BALILI ESTATE CEBU CEBU GOVERNOR GWENDOLYN GARCIA CRISOLOGO SAAVEDRA EMME GINGOYON EULOGIO PELAYRE GARCIA JOINT DECISION
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with