^

Para Malibang

Pangalawang Anino (434)

PANGALAWANG ANINO - Gilda Olividado - Pang-masa

UMIIYAK na ang ­unang anino ni Yawan. “Lagi na lang kasi akong nananaginip ng mga demonyo. Nakakapagod na.”

“Sinusubukan ka lang, Angela. Kailangan magpapakatatag ka,” sagot ni Ariel.

“Hanggang kaila­ngang pagsubok? Hanggang kailan ako ganito? Dapat ang mga panaginip ay magaganda, inspiring.”

“Iha, magdadasal lang tayo nang magdadasal.”

“Lagi naman po akong nagdadasal, Father. Palagay ko po, lumalaban ang mga demonyo sa pagdadasal ko.”

“Talagang lumalaban din sila. Hindi sila nagpapatalo, Angela. Kaya nga huwag kang panghihinaan ng loob.”

“Kaya siguro ... hindi pa nila talaga ako nakukuha, Father ... kaya puro panaginip na lang na nakakatakot ... kasi napipigilan pa rin sila ng mga marami kong dasal.”

“Eksakto, iha. Tama.”

“Kaya, Angela ... makakapagpakasal din tayo. Nag-iipon pa lang naman kasi tayo pambili ng wedding gown, sapatos saka konting salu-salo para sa mga kamag-anak at kaibigan.”

Yumakap si Angela sa nobyo. “Huwag kang mawawala, ha, Ariel? Huwag kayong mawawala sa akin.”

“Hindi mangyayari ‘yon. Mahal na mahal kita, Angela.”

“Kahit ... puro itim lang ako? Anino lang ni Yawan?”

“Higit ka anino lang. Higit pa nga sa tao kung kabaitan ang pag-uusapan.”

“O sige, tama na ‘yan. Magluto na kayo ng almusal dahil may maagang simba ngayon. Dahil birthday ni Mama Mary.”

“Ay, opo, Father. Napakaespesyal na araw po ito. Kaya gusto n’yo po ba na gagawa ako ng tsokolate?”

“Abaaa, gustung-gusto. Ganado ako lalong magmisa kapag nakainom ng napakasarap mong tsokolate, ineng.”

“Salamat po, Father! Magluluto na po ako!” Masigla nang bumangon si Angela.

Si Ariel naman ay sipag na sipag na ring maglinis sa hardin at simbahan. “Dapat walang kahit konting alikabok man lang ang simbahan! Saka ang hardin dapat ay sariwa at mabango!”

Sa banal na bundok sina Alona at Yawanaya ay suko na,

“Hindi naman tayo tinutulungan ng sinasamba natin, mabuti pa Yawanaya subukan nating tawagin si Nanette at sabihin nating magpapakabuti na tayo para makaalis na tayo dito!” Sigaw ng halimaw na si Alona sa pangalawang anino ni Yawan. Itutuloy

vuukle comment

PANGALAWANG ANINO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
March 18, 2020 - 12:00am
fbtw
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with