Signs ng Unhealthy ang Relasyon
Maraming hugot lines na puwedeng sound charming o nakakaaliw, pero ang totoo ang mga nababaliw sa pag-ibig na madalas ay nakakasira sa mag-partner.
Sa ngalan ng “pag-ibig” maraming nagagawang kalokohan na nagiging excuses, pero hindi na nakikita at sarado ang isip sa katotohanan. May mga sign na pasok sa isang unhealthy na relasyon:
Kadalasan ay marami ang nabubulag sa iresponsableng pag-uugali ng partner o dyowa. Kapag ang nobyo o nobya ay laging nagtatago ng sekreto sa iyo. Laging nagpapalusot o may excuse ang partner kahit huli na sa akto. Tinatanggap mo ang sisi ng isang bagay o kapalpakan kahit hindi mo naman ginawa o kasalanan. Ikaw ang nagsasakripisyo para lang matakpan ang kanyang pagkakamali. Nagsisinungaling sa iyong sarili at sa ibang tao para lang sa kanyang kapakanan.
Kapag oo ang lahat ng sagot, ikaw mismo ay naka-stuck o nakakulong sa hindi healthy at ‘di makatuwirang relasyon. Tiyak na mag-iiwan ito ng sakit na madalas ay para kang tauhan dahil sa pagmanipula niya sa iyong relasyon.
Puwedeng mabago ang takbo ng buhay kung bubuksan ang mga mata at maging tapat sa sarili. Tingnan at pag-aralan ang relasyon kung maayos pa o baka naman oras na para palayain ang sarili sa pabigat na partner.
- Latest















