^

Para Malibang

Ang babaing kinakain ang lahat (35)

TALES FROM THE OTHER SIDE - Pang-masa

SA TULONG ng magic, kusa ngang ibinulislis ni Tatiana alyas Luna ang paldang malambot

Sadyang ipinakita ng dalagang taga-ibang planeta ang pair of sexy panties kay Dexter.

Nagpista ang mga mata ni Dexter; ang tulad niyang normal na lalaking may dugo at laman ay nabuhay na naman ang pagnanasa.

Bigla ay nais niyang dalhin na sa kama si Luna, sipingan na ito, angkinin ang pagkababae.

Kundi lang siguro naroon ang Ninang Sofia niya, tinawid na naman ni Dexter ang bawal; mas malaking bawal.

“Don’t even think about it, Dexter!” warning agad ni Sofia.

Humihingal ang binata sa tindi ng pananabik, pakiramdam ay nilalagnat. His temperature is rising.

“Ninang... p-puwede po ba akong...makipaligo?” nagawang sabihin ni Dexter. Kailangan niyang i-release ang init.

Malawak ang isip ni Teacher Sofia, alam na alam ang nature ng mga lalake, laluna’t young man.

“Sige, meron nang tuwalya doon. Soap, everything na gamit sa paliligo.”

Tinakbo na ni Dexter ang banyo, nagkulong doon.

Pinandilatan ni Sofia si Tatiana. “Napakalandi mo, sinadya mong ibulislis ang skirt mo!”

Natawa si Tatiana. “Mommy, tiniyak ko lang na babalikan ako ni Dexter. I love him very much.”

“Saan ka pupunta?” sita ng ina. Palapit sa banyo si Tatiana.

“Mommy, titingnan ko lang ang ginagawa ngayon ni Dexter sa loob ng banyo natin.” Sinundan ito ni Tatiana ng pilyang ngiti.

Napailing na lang si Sofia. Labis siyang nabubulgaran sa anak.

Gamit ni Tatiana ang X-Ray vision. Nakikita ng dalagang alien ang ginagawa ni Dexter habang nakatapat sa shower.

PAYAPA na si Dexter nang lumabas ng bathroom.

Nanukso si Tatiana. “Hi-hi.  Alam ko ang ginawa mo, Dexter!”

Nag-blush ang binata, pinamulahan ng mukha.

 “Really? Ano ka,  si Superman?” (ITUTULOY)

vuukle comment

ALAM

ANO

BIGLA

DEXTER

GAMIT

HUMIHINGAL

NINANG SOFIA

TATIANA

TEACHER SOFIA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
March 18, 2020 - 12:00am
fbtw
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with