^

Para Malibang

Binenta ang kasal?

IDAING MO KAY VANEZZA - Pang-masa

Dear Vanezza,

Hiwalay po ako sa asawa at mayroon kaming isang anak. Pinikot ko lang po ang mister ko pero naging maayos naman po ang aming pagsasama. Nagbago lang ang lahat nang mag-abroad siya sa tulong ng isang kaanak sa Amerika. Di nagtagal ay kinumbinsi nila ako na ipa-annul ang kasal namin ng aking mister para makapagpakasal siya sa isang US citizen na “bride for hire.” At sa sandaling maging legal na ang paninirahan ng mister ko sa US ay saka niya ito idi-divorce. Pero nasira ang orihinal na plano dahil napamahal na raw sa asawa ko ang pinakasalan niya at buntis na ito. Matinding galit ang naramdaman ko dahil niloko niya ako. Pero hindi ako maghahabol para sa sarili, kundi sustento lamang para sa aming anak. Balak niyang ipetisyon ang aming anak para direkta na raw niya itong masustentuhan at hindi na dumaan pa sa akin. - Rita

Dear Rita,

Ikinalulungkot ko ang kinahantungan ng iyong pamilya. Pero ganun pa man, manatili ka sanang positibo para sa buhay ninyong mag-ina. Pakawalan mo na ang sarili sa matinding galit na idinulot ng panloloko ng iyong mister. Tungkol naman sa balak niyang pagpetisyon sa inyong anak, pag-isipan mo itong mabuti dahil hindi malayong pati anak mo ay mawalay ng tuluyan sa’yo.

 

Sumasaiyo,

Vanezza

 

vuukle comment

AMERIKA

BALAK

DEAR RITA

DEAR VANEZZA

HIWALAY

IKINALULUNGKOT

MATINDING

NAGBAGO

PAKAWALAN

PERO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
March 18, 2020 - 12:00am
fbtw
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with