^

Para Malibang

Aswang family (67)

TALES FROM THE OTHER SIDE - Pang-masa

SAKAY ng kotseng tumatakbo sa ibabaw ng dagat si Adwani nang makasalubong niya ang barkong naghahanap sa nawawalang eroplano. Isinigaw at itinuro ng bad fairy ang kinaroroonan ng mga nakaligtas.

“NANDOON SILA SA ISLANG ‘YON! BUHAY LAHAT!”

Napapailing sa pagkamangha ang mga nasa barko. Hindi mapaniwalaan na nakakita sila ng kababalaghan sa gitna ng Pacific Ocean   

Totoo bang nakakita sila ng magandang babae na nagda-drive ng kotseng tumatakbo sa mismong karagatan?

Natitiyak nilang genuine ang butterfly wings ng magandang babae.

Ano ba ang itatawag nila dito? Modernang diwata? Isang ilusyon lamang—na bunga ng mass hypnotism sa kanila?

Nawala na sa malayo ang bad fairy; hindi na natanaw ng mga nasa barko. Nanatiling malaking tanong sa mga ito kung ano ang nakita.

“Captain, nasa isla raw pong iyon ang mga survivors ng missing airplane,” paalala ng tauhan ng barko.

“Proceed. Baka nga naroon. Saka na tayo magtanong kung ano ang nangyari sa kanilang eroplano,” sabi ng ship captain.

SA BAHAY na bato, ang kapamilya ng kapreng bading ay mamatay-matay na sa ligalig. Maghapon-magdamag nang nawawala si Mang Sotero.

Nawawalan  na sila ng pag-asa. Saan na ba dinala ni Adwani ang padre de familia nila. Walang kaalam-alam sina Aling Mameng, Shalina at Greco na nasa tabi ng Pacific Ocean ang matandang lalaki.

Lalong wala silang kaalam-alam sa deklarasyon ni Adwani—na silang Aswang Family ay buburahin na sa mundo.

BRUUMMM. Lalong pinahagibis ni Adwani sa dagat ang kotseng mula sa magic.  Actually ay labis siyang naliligalig. Hindi malaman kung sisirain ang nasabi na kay Mang Sotero; buburahin nga ba niya sa mundo ang Aswang Family?  Siya ba ay tuluyang magiging mabait nang fairy na mala-super hero?  Gayung siya ay ilang daan-taon nang masamang diwata?

Ewan kung sa kalituhan kung ano ang gagawin—biglang ibinangga ni Adwani ang kotse sa isang ocean liner.

CRASSHH. Sumabog ang kotse niya. (ABANGAN)

 

 

 

vuukle comment

ADWANI

ALING MAMENG

ANO

ASWANG FAMILY

EWAN

LALONG

MANG SOTERO

PACIFIC OCEAN

  • Latest
Latest
Latest
abtest
March 18, 2020 - 12:00am
fbtw
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with